Exodus 18

Sinunod ni Moises ang ipinayo sa kanya ng kanyang biyenan.

Exodus 18:24 (UKJV) So Moses hearkened to the voice of his father in law, and did all that he had said.

22Maglilingkod sila bilang mga hukom sa lahat ng oras. Sila ang magpapasya sa simpleng mga kaso, pero dadalhin nila sa iyo ang mabibigat na kaso. Sa ganitong paraan, mapapagaan ang trabaho mo dahil matutulungan ka nila.

23Alam kong ito ang gusto ng Diyos na gawin mo, at kung susundin mo ito, hindi ka na mahihirapan. At makakauwi ang mga taong ito nang mapayapa.”

24Sinunod ni Moises ang ipinayo sa kanya ng kanyang biyenan.

25Pumili siya sa mga Israelita ng mga lalaking mayroong kakayahang mamuno at ginawa niya silang mga opisyal ng mga grupong binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao.

26Naglingkod sila bilang mga palagiang hukom ng mga tao. Sila ang nagpapasya sa mga simpleng kaso, pero kapag mabigat, dinadala nila ito kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.