23Alam kong ito ang gusto ng Diyos na gawin mo, at kung susundin mo ito, hindi ka na mahihirapan. At makakauwi ang mga taong ito nang mapayapa.”
24Sinunod ni Moises ang ipinayo sa kanya ng kanyang biyenan.
25Pumili siya sa mga Israelita ng mga lalaking mayroong kakayahang mamuno at ginawa niya silang mga opisyal ng mga grupong binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao.
26Naglingkod sila bilang mga palagiang hukom ng mga tao. Sila ang nagpapasya sa mga simpleng kaso, pero kapag mabigat, dinadala nila ito kay Moises.
27Pagkatapos noon, pinayagan ni Moises ang kanyang biyenan na umuwi at bumalik sa sariling bayan.