Exodus 19

Maglagay ka ng hangganan sa paligid ng bundok, at sabihin mo sa kanila na huwag silang lalapit sa bundok o hawakan ang hangganan nito. Ang sinumang lalapit sa bundok ay papatayin. Ang sinumang lalapit sa bundok ay papatayin,

Exodus 19:12 (UKJV) And you shall set bounds unto the people round about, saying, Take heed to yourselves, that all of you go not up into the mount, or touch the border of it: whosoever touches the mount shall be surely put to death:

10At sinabi sa kanya ng Panginoon, “Puntahan mo ang mga tao at sabihin sa kanilang linisin ang sarili nila ngayon at bukas. Kailangang labhan nila ang kanilang mga damit.

11Siguraduhing handa sila sa ikatlong araw, dahil sa araw na iyon, ako, ang Panginoon ay bababa sa Bundok ng Sinai na kitang-kita ng mga tao.

12Maglagay ka ng hangganan sa paligid ng bundok, at sabihin mo sa kanila na huwag silang lalapit sa bundok o hawakan ang hangganan nito. Ang sinumang lalapit sa bundok ay papatayin. Ang sinumang lalapit sa bundok ay papatayin,

13tao man o hayop. Kung gagawin niya ito, babatuhin siya o kaya naman ay papanain; walang kamay na hihipo sa kanya. Makakaakyat lang ang mga tao sa bundok kapag pinatunog na nang matagal ang tambuli.”

14Bumaba si Moises sa bundok at inutusan niya silang linisin ang mga sarili nila. At nilabhan ng mga tao ang kanilang mga damit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.