Exodus 19

Pagkatapos, dinala ni Moises sa labas ng kampo ang mga tao upang makipagkita sa Diyos, at tumayo sila sa paanan ng bundok.

Exodus 19:17 (UKJV) And Moses brought forth the people out of the camp to meet with God; and they stood at the nether part of the mount.

15Sinabi ni Moises sa kanila, “Ihanda ninyo ang mga sarili ninyo para sa ikatlong araw; huwag muna kayong makipagtalik sa inyong asawa.”

16Kinaumagahan ng ikatlong araw, kumulog at kumidlat, at may makapal na ulap na tumakip sa bundok at narinig ang malakas na tunog ng trumpeta. Nanginig sa takot ang lahat ng tao sa kampo.

17Pagkatapos, dinala ni Moises sa labas ng kampo ang mga tao upang makipagkita sa Diyos, at tumayo sila sa paanan ng bundok.

18Nabalot ng usok ang Bundok ng Sinai dahil bumaba roon ang Panginoon sa anyo ng apoy. Pumaitaas ang usok kagaya ng usok na nanggaling sa hurno at nayanig nang malakas ang bundok,

19at lalo pang lumakas ang tunog ng trumpeta. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.