16Kinaumagahan ng ikatlong araw, kumulog at kumidlat, at may makapal na ulap na tumakip sa bundok at narinig ang malakas na tunog ng trumpeta. Nanginig sa takot ang lahat ng tao sa kampo.
17Pagkatapos, dinala ni Moises sa labas ng kampo ang mga tao upang makipagkita sa Diyos, at tumayo sila sa paanan ng bundok.
18Nabalot ng usok ang Bundok ng Sinai dahil bumaba roon ang Panginoon sa anyo ng apoy. Pumaitaas ang usok kagaya ng usok na nanggaling sa hurno at nayanig nang malakas ang bundok,
19at lalo pang lumakas ang tunog ng trumpeta. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog.
20Bumaba ang Panginoon sa ibabaw ng Bundok ng Sinai, at tinawag niya si Moises na umakyat sa ibabaw ng bundok. Kaya umakyat si Moises,