Exodus 19

Bumaba ang Panginoon sa ibabaw ng Bundok ng Sinai, at tinawag niya si Moises na umakyat sa ibabaw ng bundok. Kaya umakyat si Moises,

Exodus 19:20 (UKJV) And the LORD came down upon mount Sinai, on the top of the mount: and the LORD called Moses up to the top of the mount; and Moses went up.

18Nabalot ng usok ang Bundok ng Sinai dahil bumaba roon ang Panginoon sa anyo ng apoy. Pumaitaas ang usok kagaya ng usok na nanggaling sa hurno at nayanig nang malakas ang bundok,

19at lalo pang lumakas ang tunog ng trumpeta. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog.

20Bumaba ang Panginoon sa ibabaw ng Bundok ng Sinai, at tinawag niya si Moises na umakyat sa ibabaw ng bundok. Kaya umakyat si Moises,

21at sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka sa ibaba at balaan mo silang huwag na huwag lalampas sa hangganan upang tingnan ako, dahil kung gagawin nila ito, marami sa kanila ang mamamatay.

22Kahit na ang mga pari na palaging lumalapit sa aking presensya ay kailangang maglinis ng kanilang mga sarili dahil kung hindi, parurusahan ko rin sila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.