Exodus 19

at sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka sa ibaba at balaan mo silang huwag na huwag lalampas sa hangganan upang tingnan ako, dahil kung gagawin nila ito, marami sa kanila ang mamamatay.

Exodus 19:21 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Go down, charge the people, lest they break through unto the LORD to gaze, and many of them perish.

19at lalo pang lumakas ang tunog ng trumpeta. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog.

20Bumaba ang Panginoon sa ibabaw ng Bundok ng Sinai, at tinawag niya si Moises na umakyat sa ibabaw ng bundok. Kaya umakyat si Moises,

21at sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka sa ibaba at balaan mo silang huwag na huwag lalampas sa hangganan upang tingnan ako, dahil kung gagawin nila ito, marami sa kanila ang mamamatay.

22Kahit na ang mga pari na palaging lumalapit sa aking presensya ay kailangang maglinis ng kanilang mga sarili dahil kung hindi, parurusahan ko rin sila.”

23Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Hindi po makakaakyat ang mga tao sa bundok dahil kayo mismo ang nagbabala sa amin na maglagay ng hangganan sa paligid ng bundok at ituring itong banal.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.