21at sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka sa ibaba at balaan mo silang huwag na huwag lalampas sa hangganan upang tingnan ako, dahil kung gagawin nila ito, marami sa kanila ang mamamatay.
22Kahit na ang mga pari na palaging lumalapit sa aking presensya ay kailangang maglinis ng kanilang mga sarili dahil kung hindi, parurusahan ko rin sila.”
23Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Hindi po makakaakyat ang mga tao sa bundok dahil kayo mismo ang nagbabala sa amin na maglagay ng hangganan sa paligid ng bundok at ituring itong banal.”
24Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumaba ka at dalhin si Aaron dito. Ngunit ang mga pari at ang mga tao ay hindi dapat pumunta rito sa akin, upang hindi ko sila parusahan.”
25Kaya bumaba si Moises at sinabihan ang mga tao.