Exodus 19

Kahit na ang mga pari na palaging lumalapit sa aking presensya ay kailangang maglinis ng kanilang mga sarili dahil kung hindi, parurusahan ko rin sila.”

Exodus 19:22 (UKJV) And let the priests also, which come near to the LORD, sanctify themselves, lest the LORD break forth upon them.

20Bumaba ang Panginoon sa ibabaw ng Bundok ng Sinai, at tinawag niya si Moises na umakyat sa ibabaw ng bundok. Kaya umakyat si Moises,

21at sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka sa ibaba at balaan mo silang huwag na huwag lalampas sa hangganan upang tingnan ako, dahil kung gagawin nila ito, marami sa kanila ang mamamatay.

22Kahit na ang mga pari na palaging lumalapit sa aking presensya ay kailangang maglinis ng kanilang mga sarili dahil kung hindi, parurusahan ko rin sila.”

23Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Hindi po makakaakyat ang mga tao sa bundok dahil kayo mismo ang nagbabala sa amin na maglagay ng hangganan sa paligid ng bundok at ituring itong banal.”

24Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumaba ka at dalhin si Aaron dito. Ngunit ang mga pari at ang mga tao ay hindi dapat pumunta rito sa akin, upang hindi ko sila parusahan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.