Exodus 2

Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian upang umigib at painumin ang mga alagang hayop ng kanilang ama.

Exodus 2:16 (UKJV) Now the priest of Midian had seven daughters: and they came and drew water, and filled the troughs to water their father's flock.

14Sumagot ang lalaki, “Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?” Natakot si Moises at sinabi sa kanyang sarili, “May nakakaalam pala ng ginawa ko.”

15Nang malaman ng Faraon ang ginawa ni Moises, tinangka niya itong patayin, pero tumakas si Moises papuntang Midian para doon manirahan. Pagdating niya sa Midian, naupo siya sa gilid ng balon.

16Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian upang umigib at painumin ang mga alagang hayop ng kanilang ama.

17May dumating doon na mga pastol at pinapaalis nila ang mga babae at ang kanilang mga hayop, pero tinulungan ni Moises ang mga babaeng anak ng pari at pinainom pa niya ang mga alaga nilang hayop.

18Pag-uwi ng mga babae sa ama nilang si Reuel, tinanong niya sila, “Bakit parang napaaga ang pag-uwi nʼyo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.