Exodus 2

Sumagot ang lalaki, “Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?” Natakot si Moises at sinabi sa kanyang sarili, “May nakakaalam pala ng ginawa ko.”

Exodus 2:14 (UKJV) And he said, Who made you a prince and a judge over us? intend you to kill me, as you killed the Egyptian? And Moses feared, and said, Surely this thing is known.

12Luminga-linga si Moises sa paligid kung may nakatingin. At nang wala siyang nakita, pinatay niya ang Ehipsiyo at ibinaon ang bangkay sa buhangin.

13Kinabukasan, bumalik siya at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang may kasalanan, “Bakit mo hinahagupit ang kapwa mo Hebreo?”

14Sumagot ang lalaki, “Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?” Natakot si Moises at sinabi sa kanyang sarili, “May nakakaalam pala ng ginawa ko.”

15Nang malaman ng Faraon ang ginawa ni Moises, tinangka niya itong patayin, pero tumakas si Moises papuntang Midian para doon manirahan. Pagdating niya sa Midian, naupo siya sa gilid ng balon.

16Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian upang umigib at painumin ang mga alagang hayop ng kanilang ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.