Exodus 2

Nabuntis si Zipora at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan ito ni Moises na Gerson, dahil sinabi niya, “Dayuhan ako sa lupaing ito.”

Exodus 2:22 (UKJV) And she bare him a son, and he called his name Gershom: for he said, I have been a stranger in a strange land.

20Nagtanong ang kanilang ama, “Nasaan na siya? Bakit ninyo siya iniwan? Tawagin ninyo siya at anyayahang kumain.”

21Tinanggap ni Moises ang paanyaya, at pumayag siyang doon na tumira sa bahay ni Reuel. Nang magtagal, ipinakasal ni Reuel ang anak niyang si Zipora kay Moises.

22Nabuntis si Zipora at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan ito ni Moises na Gerson, dahil sinabi niya, “Dayuhan ako sa lupaing ito.”

23Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Ehipto. Ngunit patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong at umabot sa Diyos ang kanilang hinaing.

24Narinig ng Diyos ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac, at Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.