Exodus 2

Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Ehipto. Ngunit patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong at umabot sa Diyos ang kanilang hinaing.

Exodus 2:23 (UKJV) And it came to pass in process of time, that the king of Egypt died: and the children of Israel sighed by reason of the bondage, and they cried, and their cry came up unto God by reason of the bondage.

21Tinanggap ni Moises ang paanyaya, at pumayag siyang doon na tumira sa bahay ni Reuel. Nang magtagal, ipinakasal ni Reuel ang anak niyang si Zipora kay Moises.

22Nabuntis si Zipora at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan ito ni Moises na Gerson, dahil sinabi niya, “Dayuhan ako sa lupaing ito.”

23Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Ehipto. Ngunit patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong at umabot sa Diyos ang kanilang hinaing.

24Narinig ng Diyos ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac, at Jacob.

25Nakita ng Diyos ang kalagayan nila at naawa ang Diyos sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.