2Hindi nagtagal, nagbuntis ang babae at nanganak ng isang lalaki. Nang makita niyang malusog ang sanggol, itinago niya ito sa loob ng tatlong buwan.
3Ngunit nang hindi na niya maitago ang sanggol, kumuha siya ng basket na gawa sa halamang papyrus at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, inilagay niya ang sanggol sa basket at pinalutang sa tubig sa tabi ng matataas na damo sa pampang ng Ilog Nilo.
4Nakatayo naman sa di-kalayuan ang kapatid na babae ng sanggol upang tingnan kung ano ang mangyayari rito.
5Ngayon, lumusong ang anak na babae ng Faraon sa Ilog Nilo upang maligo. Habang naliligo ang prinsesa, ang mga utusang babae naman niya ay naglalakad-lakad sa pampang. Nakita ng prinsesa ang basket sa matataas na damo kaya ipinakuha niya ito sa isa sa kanyang mga utusan.
6Binuksan niya ang basket at nakita ang umiiyak na sanggol, kaya naawa siya rito. Sinabi niya, “Isa ito sa mga sanggol ng mga Hebreo.”