Exodus 21

“Kung bibili kayo ng mga aliping Hebreo, maglilingkod siya sa inyo sa loob ng anim na taon. Ngunit sa ikapitong taon, lalaya siya sa pagkaalipin niya na walang babayaran.

Exodus 21:2 (UKJV) If you buy an Hebrew servant, six years he shall serve: and in the seventh he shall go out free for nothing.

1“Ito ang mga tuntuning ipapatupad mo sa mga Israelita:

2“Kung bibili kayo ng mga aliping Hebreo, maglilingkod siya sa inyo sa loob ng anim na taon. Ngunit sa ikapitong taon, lalaya siya sa pagkaalipin niya na walang babayaran.

3Kung wala siyang asawa nang nabili ninyo, lalaya siyang mag-isa. Ngunit kung may asawa siya nang nabili ninyo, lalaya rin ang kanyang asawa kasama niya.

4Kung binigyan siya ng amo niya ng mapapangasawa at nagkaanak sila, lalaya siya sa ikapitong taon, pero ang asawa at ang mga anak niya ay maiiwan sa kanyang amo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.