21Ngunit kung makakabangon ang alipin pagkalipas ng isa o dalawang araw, hindi siya parurusahan dahil pagmamay-ari niya ang alipin.
22“Kung may nag-aaway at nasaktan ang isang buntis, at napaanak ito nang wala pa sa oras, pero walang masamang nangyari sa kanya, pagbabayarin ang nakasakit ayon sa halagang hinihingi ng asawa at pinayagan ng hukom.
23Ngunit kung malubha ang nangyari sa babae, parurusahan ang responsable dito katulad ng nangyari sa kanya. Kung namatay ito, papatayin din ang responsable dito.
24Kung nabulag ito, bubulagin din siya. Kung nabungi ang ngipin nito, bubungiin din siya. Kung nabali ang kamay o paa nito, babaliin din ang kanyang kamay o paa.
25Kung napaso, papasuin din siya. Kung nasugatan, susugatan din siya. Kung nagalusan, gagalusan din siya.