Exodus 21

Kung nabulag ito, bubulagin din siya. Kung nabungi ang ngipin nito, bubungiin din siya. Kung nabali ang kamay o paa nito, babaliin din ang kanyang kamay o paa.

Exodus 21:24 (UKJV) Eye for eye, tooth for tooth, hand for hand, foot for foot,

22“Kung may nag-aaway at nasaktan ang isang buntis, at napaanak ito nang wala pa sa oras, pero walang masamang nangyari sa kanya, pagbabayarin ang nakasakit ayon sa halagang hinihingi ng asawa at pinayagan ng hukom.

23Ngunit kung malubha ang nangyari sa babae, parurusahan ang responsable dito katulad ng nangyari sa kanya. Kung namatay ito, papatayin din ang responsable dito.

24Kung nabulag ito, bubulagin din siya. Kung nabungi ang ngipin nito, bubungiin din siya. Kung nabali ang kamay o paa nito, babaliin din ang kanyang kamay o paa.

25Kung napaso, papasuin din siya. Kung nasugatan, susugatan din siya. Kung nagalusan, gagalusan din siya.

26“Kung sinuntok ng amo ang kanyang aliping lalaki o babae sa mata at nabulag ito, palalayain niya ito sa pagkaalipin bilang bayad sa mata na binulag niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.