Exodus 21

Kung ibibigay ng amo niya ang aliping ito sa kanyang anak bilang asawa, kailangan niya itong ituring siya na anak na babae.

Exodus 21:9 (UKJV) And if he have betrothed her unto his son, he shall deal with her after the manner of daughters.

7“Kung ipagbibili ng isang tao ang anak niyang babae upang gawing alipin, hindi siya lalaya kagaya ng lalaking alipin.

8Kung hindi masiyahan ang amo niyang pumili sa kanya para sa kanyang sarili, hayaan niya itong matubos. Wala siyang karapatang ipagbili ito sa mga dayuhan dahil hindi niya tinupad ang kanyang responsibilidad sa kanya.

9Kung ibibigay ng amo niya ang aliping ito sa kanyang anak bilang asawa, kailangan niya itong ituring siya na anak na babae.

10Kung gagawin niyang asawa ang alipin, at mag-aasawa pa siya ng iba pang babae, kailangang ipagpatuloy niya ang pagbibigay sa kanya ng mga pagkain at damit, at ang pagsiping sa kanya.

11Kung hindi niya masusunod ang tatlong bagay na ito, papayagan niyang lumaya ang babae nang walang bayad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.