Exodus 21

Kung hindi masiyahan ang amo niyang pumili sa kanya para sa kanyang sarili, hayaan niya itong matubos. Wala siyang karapatang ipagbili ito sa mga dayuhan dahil hindi niya tinupad ang kanyang responsibilidad sa kanya.

Exodus 21:8 (UKJV) If she please not her master, who has betrothed her to himself, then shall he let her be redeemed: to sell her unto a strange nation he shall have no power, seeing he has dealt deceitfully with her.

6dadalhin siya ng amo niya sa harapan ng Diyos doon sa may pintuan o hamba ng lugar na pinagsasambahan. Bubutasan ng amo niya ang isa sa tainga niya at magiging alipin siya ng amo niya magpakailanman.

7“Kung ipagbibili ng isang tao ang anak niyang babae upang gawing alipin, hindi siya lalaya kagaya ng lalaking alipin.

8Kung hindi masiyahan ang amo niyang pumili sa kanya para sa kanyang sarili, hayaan niya itong matubos. Wala siyang karapatang ipagbili ito sa mga dayuhan dahil hindi niya tinupad ang kanyang responsibilidad sa kanya.

9Kung ibibigay ng amo niya ang aliping ito sa kanyang anak bilang asawa, kailangan niya itong ituring siya na anak na babae.

10Kung gagawin niyang asawa ang alipin, at mag-aasawa pa siya ng iba pang babae, kailangang ipagpatuloy niya ang pagbibigay sa kanya ng mga pagkain at damit, at ang pagsiping sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.