Exodus 21

dadalhin siya ng amo niya sa harapan ng Diyos doon sa may pintuan o hamba ng lugar na pinagsasambahan. Bubutasan ng amo niya ang isa sa tainga niya at magiging alipin siya ng amo niya magpakailanman.

Exodus 21:6 (UKJV) Then his master shall bring him unto the judges; he shall also bring him to the door, or unto the door post; and his master shall bore his ear through with an aul; and he shall serve him for ever.

4Kung binigyan siya ng amo niya ng mapapangasawa at nagkaanak sila, lalaya siya sa ikapitong taon, pero ang asawa at ang mga anak niya ay maiiwan sa kanyang amo.

5“Ngunit kung sasabihin ng alipin na minamahal niya ang kanyang amo, ang asawaʼt mga anak niya, at hindi niya gustong lumaya,

6dadalhin siya ng amo niya sa harapan ng Diyos doon sa may pintuan o hamba ng lugar na pinagsasambahan. Bubutasan ng amo niya ang isa sa tainga niya at magiging alipin siya ng amo niya magpakailanman.

7“Kung ipagbibili ng isang tao ang anak niyang babae upang gawing alipin, hindi siya lalaya kagaya ng lalaking alipin.

8Kung hindi masiyahan ang amo niyang pumili sa kanya para sa kanyang sarili, hayaan niya itong matubos. Wala siyang karapatang ipagbili ito sa mga dayuhan dahil hindi niya tinupad ang kanyang responsibilidad sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.