3Kung wala siyang asawa nang nabili ninyo, lalaya siyang mag-isa. Ngunit kung may asawa siya nang nabili ninyo, lalaya rin ang kanyang asawa kasama niya.
4Kung binigyan siya ng amo niya ng mapapangasawa at nagkaanak sila, lalaya siya sa ikapitong taon, pero ang asawa at ang mga anak niya ay maiiwan sa kanyang amo.
5“Ngunit kung sasabihin ng alipin na minamahal niya ang kanyang amo, ang asawaʼt mga anak niya, at hindi niya gustong lumaya,
6dadalhin siya ng amo niya sa harapan ng Diyos doon sa may pintuan o hamba ng lugar na pinagsasambahan. Bubutasan ng amo niya ang isa sa tainga niya at magiging alipin siya ng amo niya magpakailanman.
7“Kung ipagbibili ng isang tao ang anak niyang babae upang gawing alipin, hindi siya lalaya kagaya ng lalaking alipin.