1“Kung nagnakaw ang isang tao ng baka o tupa, at kinatay niya ito o ipinagbili, kailangang magbayad siya. Sa isang bakang ninakaw niya, magbabayad siya ng limang baka. At sa isang tupang ninakaw niya, magbabayad siya ng apat na tupa.
2“Kung ang isang magnanakaw ay nahuling nagnanakaw sa gabi, at siyaʼy hinampas at ikinamatay niya ito, walang pananagutan ang nakapatay.
3Ngunit kung nangyari ito sa araw, may pananagutan ang nakapatay sa magnanakaw. “Ang magnanakaw na nahuli ay dapat magbayad sa ninakaw niya. Kung wala siyang maibabayad, ipagbibili siya bilang alipin at ang pinagbilhan ang ibabayad sa ninakaw niya.