Exodus 22

“Kung ang isang magnanakaw ay nahuling nagnanakaw sa gabi, at siyaʼy hinampas at ikinamatay niya ito, walang pananagutan ang nakapatay.

Exodus 22:2 (UKJV) If a thief be found breaking up, and be smitten that he die, there shall no blood be shed for him.

1“Kung nagnakaw ang isang tao ng baka o tupa, at kinatay niya ito o ipinagbili, kailangang magbayad siya. Sa isang bakang ninakaw niya, magbabayad siya ng limang baka. At sa isang tupang ninakaw niya, magbabayad siya ng apat na tupa.

2“Kung ang isang magnanakaw ay nahuling nagnanakaw sa gabi, at siyaʼy hinampas at ikinamatay niya ito, walang pananagutan ang nakapatay.

3Ngunit kung nangyari ito sa araw, may pananagutan ang nakapatay sa magnanakaw. “Ang magnanakaw na nahuli ay dapat magbayad sa ninakaw niya. Kung wala siyang maibabayad, ipagbibili siya bilang alipin at ang pinagbilhan ang ibabayad sa ninakaw niya.

4Kung ang baka o asno o tupa na ninakaw niya ay nasa kanya pa, babayaran niya ito ng doble.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.