Exodus 22

“Kung linlangin ng isang lalaki ang dalagang hindi pa naipagkakasundong ikasal, at sumiping siya sa kanya, kailangang magbayad ang lalaki ng dote at pakasalan niya ang dalaga.

Exodus 22:16 (UKJV) And if a man entice a maid that is not betrothed, and lie with her, he shall surely secure her to be his wife.

14“Kung may nanghiram ng hayop sa kanyang kapwa at nasugatan ito o namatay, at wala ang may-ari nang mangyari ito, dapat itong bayaran ng nanghiram.

15Ngunit kung nariyan ang may-ari nang mangyari ito, hindi dapat magbayad ang nanghiram. Kung nirentahan ang hayop, ang perang ibinayad sa renta ang ibabayad sa nasugatan o namatay na hayop.

16“Kung linlangin ng isang lalaki ang dalagang hindi pa naipagkakasundong ikasal, at sumiping siya sa kanya, kailangang magbayad ang lalaki ng dote at pakasalan niya ang dalaga.

17Kung hindi pumayag ang ama ng dalaga na ibigay ang kanyang anak na maging asawa ng nasabing lalaki, magbabayad pa rin ang lalaki ng dote.

18“Patayin ninyo ang mga mangkukulam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.