17Kung hindi pumayag ang ama ng dalaga na ibigay ang kanyang anak na maging asawa ng nasabing lalaki, magbabayad pa rin ang lalaki ng dote.
18“Patayin ninyo ang mga mangkukulam.
19“Ang sinumang makikipagtalik sa hayop ay papatayin.
20“Ang sinumang maghahandog sa ibang diyos maliban sa akin ay kailangang patayin.
21“Huwag ninyong pagmamalupitan ang mga dayuhan dahil naging mga dayuhan din kayo noon sa Ehipto.