Exodus 23

“Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, pero huwag kayong magtatrabaho sa ikapitong araw, upang makapagpahinga kayo, ang mga baka at asno ninyo, ang mga alipin ninyo at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.

Exodus 23:12 (UKJV) Six days you shall do your work, and on the seventh day you shall rest: that yours ox and yours ass may rest, and the son of your handmaid, and the stranger, may be refreshed.

10“Sa loob ng anim na taon, makakapagtanim kayo at makakapag-ani sa lupa ninyo.

11Ngunit sa ikapitong taon, huwag nʼyo itong tataniman. Kung may tutubong pananim sa lupa ninyo, pabayaan ninyo ang mahihirap na makakuha ng mga pananim upang kainin, at kung may matira, ipakain na lang ninyo sa mga hayop. Ganito rin ang gagawin ninyo sa mga ubasan at taniman ng olibo.

12“Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, pero huwag kayong magtatrabaho sa ikapitong araw, upang makapagpahinga kayo, ang mga baka at asno ninyo, ang mga alipin ninyo at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.

13“Sundin ninyong mabuti lahat ng sinabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa ibang diyos o babanggit ng pangalan nila.

14“Tatlong beses sa isang taon kayong magdiriwang ng pista sa aking karangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.