Exodus 23

“Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani kapag nagdadala kayo ng mga unang ani ng inyong bukid. “Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Huling Pag-ani sa katapusan ng taon kapag titipunin na ninyo ang mga ani sa mga bukid ninyo.

Exodus 23:16 (UKJV) And the feast of harvest, the first-fruits of your labours, which you have sown in the field: and the feast of ingathering, which is in the end of the year, when you have gathered in your labours out of the field.

14“Tatlong beses sa isang taon kayong magdiriwang ng pista sa aking karangalan.

15“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kagaya ng iniutos ko sa inyo, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw. Gawin ninyo ito sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib, dahil ito ang buwan na lumabas kayo ng Ehipto. Ang bawat isa sa inyoʼy dapat magdala sa akin ng handog sa panahong iyon.

16“Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani kapag nagdadala kayo ng mga unang ani ng inyong bukid. “Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Huling Pag-ani sa katapusan ng taon kapag titipunin na ninyo ang mga ani sa mga bukid ninyo.

17“Sa tatlong pistang ito sa bawat taon, dapat dumalo ang kalalakihan ninyo sa pagsamba sa akin, na inyong Makapangyarihang Panginoon.

18“Huwag kayong maghahandog ng dugo sa akin at ng kahit anong may pampaalsa. Huwag kayong magtitira para sa kinaumagahan ng taba ng hayop na inyong inihandog sa akin sa pista.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.