16“Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani kapag nagdadala kayo ng mga unang ani ng inyong bukid. “Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Huling Pag-ani sa katapusan ng taon kapag titipunin na ninyo ang mga ani sa mga bukid ninyo.
17“Sa tatlong pistang ito sa bawat taon, dapat dumalo ang kalalakihan ninyo sa pagsamba sa akin, na inyong Makapangyarihang Panginoon.
18“Huwag kayong maghahandog ng dugo sa akin at ng kahit anong may pampaalsa. Huwag kayong magtitira para sa kinaumagahan ng taba ng hayop na inyong inihandog sa akin sa pista.
19“Dalhin ninyo sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang pinakamagandang bahagi ng una ninyong ani. “Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa mismong gatas ng kanyang ina.
20“Ngayon, isinugo ko ang anghel upang bantayan at gabayan kayo papunta sa lugar na inihanda ko para sa inyo.