Exodus 23

“Dalhin ninyo sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang pinakamagandang bahagi ng una ninyong ani. “Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa mismong gatas ng kanyang ina.

Exodus 23:19 (UKJV) The first of the first-fruits of your land you shall bring into the house of the LORD your God. You shall not seethe a kid in his mother's milk.

17“Sa tatlong pistang ito sa bawat taon, dapat dumalo ang kalalakihan ninyo sa pagsamba sa akin, na inyong Makapangyarihang Panginoon.

18“Huwag kayong maghahandog ng dugo sa akin at ng kahit anong may pampaalsa. Huwag kayong magtitira para sa kinaumagahan ng taba ng hayop na inyong inihandog sa akin sa pista.

19“Dalhin ninyo sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang pinakamagandang bahagi ng una ninyong ani. “Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa mismong gatas ng kanyang ina.

20“Ngayon, isinugo ko ang anghel upang bantayan at gabayan kayo papunta sa lugar na inihanda ko para sa inyo.

21Makinig kayo sa kanya at sundin ang sinasabi niya. Huwag kayong magrerebelde sa kanya dahil ang lahat ng ginagawa niyaʼy ginagawa niya sa aking pangalan, at hindi niya pababayaang magpatuloy kayo sa inyong mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.