Exodus 23

Makinig kayo sa kanya at sundin ang sinasabi niya. Huwag kayong magrerebelde sa kanya dahil ang lahat ng ginagawa niyaʼy ginagawa niya sa aking pangalan, at hindi niya pababayaang magpatuloy kayo sa inyong mga kasalanan.

Exodus 23:21 (UKJV) Beware of him, and obey his voice, provoke him not; for he will not pardon your transgressions: for my name is in him.

19“Dalhin ninyo sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang pinakamagandang bahagi ng una ninyong ani. “Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing sa mismong gatas ng kanyang ina.

20“Ngayon, isinugo ko ang anghel upang bantayan at gabayan kayo papunta sa lugar na inihanda ko para sa inyo.

21Makinig kayo sa kanya at sundin ang sinasabi niya. Huwag kayong magrerebelde sa kanya dahil ang lahat ng ginagawa niyaʼy ginagawa niya sa aking pangalan, at hindi niya pababayaang magpatuloy kayo sa inyong mga kasalanan.

22Kung makikinig kayo nang mabuti sa sinasabi niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, magiging kaaway ko ang inyong mga kaaway, at kakalabanin ko ang kakalaban sa inyo.

23Pangungunahan kayo ng aking anghel at dadalhin kayo sa lupain ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo, at lilipulin ko sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.