Exodus 23

Kung makikinig kayo nang mabuti sa sinasabi niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, magiging kaaway ko ang inyong mga kaaway, at kakalabanin ko ang kakalaban sa inyo.

Exodus 23:22 (UKJV) But if you shall indeed obey his voice, and do all that I speak; then I will be an enemy unto yours enemies, and an adversary unto yours adversaries.

20“Ngayon, isinugo ko ang anghel upang bantayan at gabayan kayo papunta sa lugar na inihanda ko para sa inyo.

21Makinig kayo sa kanya at sundin ang sinasabi niya. Huwag kayong magrerebelde sa kanya dahil ang lahat ng ginagawa niyaʼy ginagawa niya sa aking pangalan, at hindi niya pababayaang magpatuloy kayo sa inyong mga kasalanan.

22Kung makikinig kayo nang mabuti sa sinasabi niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, magiging kaaway ko ang inyong mga kaaway, at kakalabanin ko ang kakalaban sa inyo.

23Pangungunahan kayo ng aking anghel at dadalhin kayo sa lupain ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo, at lilipulin ko sila.

24Huwag kayong yuyuko sa kanilang mga diyos-diyosan o sasambahin ang mga ito, o kayaʼy tutularan ang kanilang mga ginagawa. Sa halip, durugin ninyo ang mga ito at gibain ang kanilang mga sagradong haligi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.