Exodus 23

Huwag kayong yuyuko sa kanilang mga diyos-diyosan o sasambahin ang mga ito, o kayaʼy tutularan ang kanilang mga ginagawa. Sa halip, durugin ninyo ang mga ito at gibain ang kanilang mga sagradong haligi.

Exodus 23:24 (UKJV) You shall not bow down to their gods, nor serve them, nor do after their works: but you shall utterly overthrow them, and quite break down their images.

22Kung makikinig kayo nang mabuti sa sinasabi niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, magiging kaaway ko ang inyong mga kaaway, at kakalabanin ko ang kakalaban sa inyo.

23Pangungunahan kayo ng aking anghel at dadalhin kayo sa lupain ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo, at lilipulin ko sila.

24Huwag kayong yuyuko sa kanilang mga diyos-diyosan o sasambahin ang mga ito, o kayaʼy tutularan ang kanilang mga ginagawa. Sa halip, durugin ninyo ang mga ito at gibain ang kanilang mga sagradong haligi.

25Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, at bibiyayaan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman,

26at walang babaeng makukunan o magiging baog sa inyong lupain, at bibigyan ko kayo ng mahaba at makabuluhang buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.