Exodus 23

at walang babaeng makukunan o magiging baog sa inyong lupain, at bibigyan ko kayo ng mahaba at makabuluhang buhay.

Exodus 23:26 (UKJV) There shall nothing cast their young, nor be barren, in your land: the number of your days I will fulfill.

24Huwag kayong yuyuko sa kanilang mga diyos-diyosan o sasambahin ang mga ito, o kayaʼy tutularan ang kanilang mga ginagawa. Sa halip, durugin ninyo ang mga ito at gibain ang kanilang mga sagradong haligi.

25Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, at bibiyayaan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman,

26at walang babaeng makukunan o magiging baog sa inyong lupain, at bibigyan ko kayo ng mahaba at makabuluhang buhay.

27“Tatakutin ko at lilituhin ang mga kaaway na makakaharap ninyo, at tatakas sila.

28Magpapadala ako ng mga putakting mangunguna sa inyo, at itataboy nila ang mga Heveo, Cananeo at Heteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.