Exodus 23

Magpapadala ako ng mga putakting mangunguna sa inyo, at itataboy nila ang mga Heveo, Cananeo at Heteo.

Exodus 23:28 (UKJV) And I will send hornets before you, which shall drive out the Hivite, the Canaanite, and the Hittite, from before you.

26at walang babaeng makukunan o magiging baog sa inyong lupain, at bibigyan ko kayo ng mahaba at makabuluhang buhay.

27“Tatakutin ko at lilituhin ang mga kaaway na makakaharap ninyo, at tatakas sila.

28Magpapadala ako ng mga putakting mangunguna sa inyo, at itataboy nila ang mga Heveo, Cananeo at Heteo.

29Ngunit hindi ko sila kaagad itataboy sa loob ng isang taon dahil mapapabayaan ang lupain at dadami nang husto ang mga mababangis na hayop.

30Unti-unti ko silang itataboy hanggang sa dumami na kayo at kaya na ninyong angkinin ang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.