Exodus 23

Ngunit hindi ko sila kaagad itataboy sa loob ng isang taon dahil mapapabayaan ang lupain at dadami nang husto ang mga mababangis na hayop.

Exodus 23:29 (UKJV) I will not drive them out from before you in one year; lest the land become desolate, and the beast of the field multiply against you.

27“Tatakutin ko at lilituhin ang mga kaaway na makakaharap ninyo, at tatakas sila.

28Magpapadala ako ng mga putakting mangunguna sa inyo, at itataboy nila ang mga Heveo, Cananeo at Heteo.

29Ngunit hindi ko sila kaagad itataboy sa loob ng isang taon dahil mapapabayaan ang lupain at dadami nang husto ang mga mababangis na hayop.

30Unti-unti ko silang itataboy hanggang sa dumami na kayo at kaya na ninyong angkinin ang lupain.

31“Itatakda ko na ang hangganan ng inyong lupain ay magsisimula sa Dagat na Pula hanggang sa Dagat ng Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa inyo ang mga nakatira ngayon sa lupaing iyon, at itataboy nʼyo sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.