Exodus 24

Kahit nakita na ng mga pinuno ang Diyos, hindi sila pinatay ng Diyos. Kumain pa sila at uminom doon sa kanyang presensya.

Exodus 24:11 (UKJV) And upon the nobles of the children of Israel he laid not his hand: also they saw God, and did eat and drink.

9Umakyat nga sa bundok sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu at ang pitumpung pinuno ng Israel,

10at nakita nila doon ang Diyos ng Israel. Sa paanan niya ay may parang daang gawa sa batong safiro na kasinlinaw ng langit.

11Kahit nakita na ng mga pinuno ang Diyos, hindi sila pinatay ng Diyos. Kumain pa sila at uminom doon sa kanyang presensya.

12Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pumunta ka rito sa akin sa itaas ng bundok at maghintay, dahil ibibigay ko sa iyo ang malalapad na batong sinulatan ko ng mga kautusan at tuntunin ko upang ituro sa mga tao.”

13Kaya umakyat si Moises sa bundok ng Diyos kasama ang lingkod niyang si Josue.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.