Exodus 24

Sinabi ni Moises sa mga tagapamahala, “Hintayin nʼyo kami rito hanggang sa makabalik kami. Maiiwan dito sina Aaron at Hur, at kung may mga usapin kayo, sumangguni lang kayo sa kanila.”

Exodus 24:14 (UKJV) And he said unto the elders, Tarry all of you here for us, until we come again unto you: and, behold, Aaron and Hur are with you: if any man have any matters to do, let him come unto them.

12Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pumunta ka rito sa akin sa itaas ng bundok at maghintay, dahil ibibigay ko sa iyo ang malalapad na batong sinulatan ko ng mga kautusan at tuntunin ko upang ituro sa mga tao.”

13Kaya umakyat si Moises sa bundok ng Diyos kasama ang lingkod niyang si Josue.

14Sinabi ni Moises sa mga tagapamahala, “Hintayin nʼyo kami rito hanggang sa makabalik kami. Maiiwan dito sina Aaron at Hur, at kung may mga usapin kayo, sumangguni lang kayo sa kanila.”

15Pagdating ni Moises sa itaas ng bundok, natakpan ang bundok ng ulap.

16At bumaba ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa Bundok ng Sinai. At sa loob ng anim na araw, natakpan ng ulap ang bundok. Sa ikapitong araw, tinawag ng Panginoon si Moises mula sa ulap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.