Exodus 25

Ilagay mo sa Kahon ang malalapad na batong ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang mga utos ko, at pagkatapos ay takpan mo ang Kahon.

Exodus 25:21 (UKJV) And you shall put the mercy seat above upon the ark; and in the ark you shall put the testimony that I shall give you.

19Ilagay ang isang kerubin sa isang dulo at ang isa naman sa kabilang dulo. Ang mga kerubin ay gawing kaisang piraso ng takip sa magkabilang dulo nito.

20Kailangang nakabuka paitaas ang pakpak ng mga kerubin na nakalukob sa takip. Dapat magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip.

21Ilagay mo sa Kahon ang malalapad na batong ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang mga utos ko, at pagkatapos ay takpan mo ang Kahon.

22Makikipagkita ako sa iyo roon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon, at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng utos para sa mga mamamayan ng Israel.

23“Magpagawa ka rin ng mesang akasya, na may sukat na tatlumpuʼt anim na pulgada ang haba, labingwalong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada ang taas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.