Exodus 25

“Magpagawa ka rin ng mesang akasya, na may sukat na tatlumpuʼt anim na pulgada ang haba, labingwalong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada ang taas.

Exodus 25:23 (UKJV) You shall also make a table of shittim wood: two cubits shall be the length thereof, and a cubit the breadth thereof, and a cubit and a half the height thereof.

21Ilagay mo sa Kahon ang malalapad na batong ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang mga utos ko, at pagkatapos ay takpan mo ang Kahon.

22Makikipagkita ako sa iyo roon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon, at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng utos para sa mga mamamayan ng Israel.

23“Magpagawa ka rin ng mesang akasya, na may sukat na tatlumpuʼt anim na pulgada ang haba, labingwalong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada ang taas.

24Balutan mo ito ng purong ginto at lagyan ng hinulmang ginto ang mga paligid nito.

25Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.