22Makikipagkita ako sa iyo roon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon, at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng utos para sa mga mamamayan ng Israel.
23“Magpagawa ka rin ng mesang akasya, na may sukat na tatlumpuʼt anim na pulgada ang haba, labingwalong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada ang taas.
24Balutan mo ito ng purong ginto at lagyan ng hinulmang ginto ang mga paligid nito.
25Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa.
26Magpagawa ka rin ng apat na argolyang ginto at ikabit sa apat na sulok ng mesa,