25Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa.
26Magpagawa ka rin ng apat na argolyang ginto at ikabit sa apat na sulok ng mesa,
27malapit sa sinepa. Dito ninyo ipasok ang mga tukod na pambuhat sa mesa.
28Dapat ay akasya ang tukod at nababalutan ng ginto.
29“Magpagawa ka rin ng mga pinggan, tasa, banga at mga mangkok na gagamitin para sa handog na inumin. Kailangang purong ginto ang mga ito.