Exodus 25

Ang ilawan ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid.

Exodus 25:32 (UKJV) And six branches shall come out of the sides of it; three branches of the candlestick out of the one side, and three branches of the candlestick out of the other side:

30At kailangang palaging lagyan ng tinapay na inihahandog sa aking presensya ang mesang ito.

31“Magpagawa ka rin ng ilawan na gawa sa pinitpit na purong ginto ang paa, katawan at mga palamuting hugis bulaklak, na ang ibaʼy buko pa lang at ang ibaʼy nakabuka na. Ang palamuting ito ay dapat kasama nang gagawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw.

32Ang ilawan ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid.

33Ang bawat sanga nito ay may tatlong palamuting hugis bulaklak ng almendra na may kasamang usbong at talulot.

34Ang katawan ng ilawan ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendra, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.