Exodus 25

Ang katawan ng ilawan ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendra, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na.

Exodus 25:34 (UKJV) And in the candlesticks shall be four bowls made like unto almonds, with their knops and their flowers.

32Ang ilawan ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid.

33Ang bawat sanga nito ay may tatlong palamuting hugis bulaklak ng almendra na may kasamang usbong at talulot.

34Ang katawan ng ilawan ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendra, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na.

35May isang hugis bulaklak sa ilalim ng bawat pares ng sanga na galing sa katawan nito, at lahat ay gawa sa isang piraso.

36Ang mga palamuting bulaklak at ang mga sanga ay isang piraso lamang nang hinulma ang lalagyan ng ilaw na yari sa pinanday na purong ginto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.