34Ang katawan ng ilawan ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendra, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na.
35May isang hugis bulaklak sa ilalim ng bawat pares ng sanga na galing sa katawan nito, at lahat ay gawa sa isang piraso.
36Ang mga palamuting bulaklak at ang mga sanga ay isang piraso lamang nang hinulma ang lalagyan ng ilaw na yari sa pinanday na purong ginto.
37“Magpagawa ka ng pitong ilawan at ilagay sa lalagyan nito upang mailawan ang lugar sa harapan nito.
38Ang mga panggupit ng mitsa ng ilaw at mga pansahod ng abo ng ilaw ay dapat purong ginto rin.