5balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, magandang klase ng balat, kahoy na akasya,
6langis ng olibo para sa ilaw, mga sangkap sa langis na pamahid at pabango sa insenso,
7batong onise at iba pang mamahaling bato na ilalagay sa efod at sa pektoral.
8“Magpagawa ka sa mga mamamayan ng Israel ng santuwaryo para sa akin upang titira ako sa gitna nila.
9Ipagawa mo ang Tabernakulo at ang mga kagamitan dito ayon sa eksaktong tuntunin na sinabi ko sa iyo.