7batong onise at iba pang mamahaling bato na ilalagay sa efod at sa pektoral.
8“Magpagawa ka sa mga mamamayan ng Israel ng santuwaryo para sa akin upang titira ako sa gitna nila.
9Ipagawa mo ang Tabernakulo at ang mga kagamitan dito ayon sa eksaktong tuntunin na sinabi ko sa iyo.
10“Magpagawa ka ng Kahon na yari sa akasya: mga apatnapuʼt limang pulgada ang haba, dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada rin ang taas.
11Balutan ninyo ito ng purong ginto sa loob at labas, at palagyan ng hinulmang ginto ang paligid nito.