Exodus 26

Ipasabit mo ito sa apat na haliging yari sa akasya at nababalutan ng ginto gamit ang mga kawit na ginto. Ang apat na haliging ito ay nakasuksok sa apat na patungang gawa sa pilak.

Exodus 26:32 (UKJV) And you shall hang it upon four pillars of shittim wood overlaid with gold: their hooks shall be of gold, upon the four sockets of silver.

30“Kailangang ipatayo mo ang Tabernakulo ayon sa planong sinabi ko sa iyo rito sa bundok.

31“Magpagawa ka rin ng kurtina na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda.

32Ipasabit mo ito sa apat na haliging yari sa akasya at nababalutan ng ginto gamit ang mga kawit na ginto. Ang apat na haliging ito ay nakasuksok sa apat na patungang gawa sa pilak.

33Kapag naisabit na ang kurtina sa mga kawit, ilagay sa likod nito ang Kahon ng Kasunduan. Ang kurtina ang maghihiwalay sa Banal na Lugar at sa Pinakabanal na Lugar.

34Ilagay mo ang takip ng kapatawaran sa Kahon ng Kasunduan na nasa Pinakabanal na Lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.