Exodus 26

Kapag naisabit na ang kurtina sa mga kawit, ilagay sa likod nito ang Kahon ng Kasunduan. Ang kurtina ang maghihiwalay sa Banal na Lugar at sa Pinakabanal na Lugar.

Exodus 26:33 (UKJV) And you shall hang up the vail under the clasps, that you may bring in thither within the vail the ark of the testimony: and the vail shall divide unto you between the holy place and the most holy.

31“Magpagawa ka rin ng kurtina na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda.

32Ipasabit mo ito sa apat na haliging yari sa akasya at nababalutan ng ginto gamit ang mga kawit na ginto. Ang apat na haliging ito ay nakasuksok sa apat na patungang gawa sa pilak.

33Kapag naisabit na ang kurtina sa mga kawit, ilagay sa likod nito ang Kahon ng Kasunduan. Ang kurtina ang maghihiwalay sa Banal na Lugar at sa Pinakabanal na Lugar.

34Ilagay mo ang takip ng kapatawaran sa Kahon ng Kasunduan na nasa Pinakabanal na Lugar.

35Ilagay mo ang mesa sa labas ng tabing, sa hilagang bahagi ng Tolda, at ang ilawan sa bandang timog na tapat ng mesa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.