Exodus 27

Ang kurtina sa bandang hilaga ay 150 talampakan din ang haba. Ikabit din ito sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok sa dalawampung patungang tanso. Ang pagkakabitan ng mga kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

Exodus 27:11 (UKJV) And likewise for the north side in length there shall be hangings of an hundred cubits long, and his twenty pillars and their twenty sockets of brass; the hooks of the pillars and their fillets of silver.

9“Palagyan ng bakuran ang Tabernakulo, at palibutan ito ng kurtina na gawa sa hinabing pinong lino. Ang haba ng kurtina sa bandang timog ay 150 talampakan.

10Ikabit ang kurtina sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok sa dalawampung patungang tanso. Ang pagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa baras na pilak sa mga haligi.

11Ang kurtina sa bandang hilaga ay 150 talampakan din ang haba. Ikabit din ito sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok sa dalawampung patungang tanso. Ang pagkakabitan ng mga kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

12“Ang kurtina sa bandang kanluran ay may sukat na pitumpuʼt limang talampakan ang haba at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok sa sampung patungan.

13Ang kurtina sa bandang silangan ay pitumpuʼt limang talampakan ang haba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.