Exodus 27

Ang lahat ng kagamitan ng altar ay kailangang gawa sa tanso, ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, malalaking tinidor para sa karne at mga lalagyan ng baga.

Exodus 27:3 (UKJV) And you shall make his pans to receive his ashes, and his shovels, and his basons, and his forks, and his fire-pans: all the vessels thereof you shall make of brass.

1“Magpagawa ka ng altar na yari sa akasya. Pitoʼt kalahating talampakan ang haba, pitoʼt kalahating talampakan din ang lapad, at apat at kalahating talampakan ang taas.

2Palagyan mo ito ng mga sungay sa apat na sulok, at ang mga sungay na ito ay dapat kaisang piraso ng altar. Pagkatapos, pabalutan mo ng tanso ang altar.

3Ang lahat ng kagamitan ng altar ay kailangang gawa sa tanso, ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, malalaking tinidor para sa karne at mga lalagyan ng baga.

4Magpagawa ka rin ng parilyang tanso para sa altar, at lagyan ito ng argolyang tanso sa bawat sulok.

5Pagkatapos, ilagay mo ito sa ilalim ng altar, sa patungan nito sa bandang gitna ng altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.